Atty. Nick ipinamukha ang pagka-unprofessional ng television presenter na si Karen Davila matapos ang one on one interview nito kay Mayor Isko na kung saan ay nasupalpal siya at hindi nakaporma.
Sa isinagawang interview nga nina Karen Davila at Mayor Isko Moreno na kung saan ay natalakay nila ang Manila Bay White Sand Project ng DENR at ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Mapapansin sa interview na iyon na hindi nakaporma ang TV presenter na si Karen Davila na kilalang kritiko ng proyekto at halatang halata ang kaniyang pagpipigil. Sa bawat intrigang tanong na ibinabato niya kay Mayor Isko talagang supalpal na sagot ang ibinabalik ni Mayor at mahahalata rito na biglang sumisingit rin si Karen habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita ang Mayor na para bang nais niya nang tumungo sa susunod na katanungan kahit hindi pa tapos sumagot si Mayor Isko.
Napansin ito ng isang lawyer at radio host na si Atty. Nick. Kaya naman hindi niya pinalampas ang aksyong ito ni Karen dahil siya rin daw ay nakapag-interview na ng mga kilalang personalidad ngunit hindi raw ganito ang kaniyang ipinapakitang aksyon.
Ipinamukha ng Atty. ang pagka-unprofessional ni Karen sa kanyang isinagawang interview.
Sabi ni Atty. Nick sa kanyang post,
"Wala akong ka amor amor sa aleng yan!
Napapanood ko lang siya sa opisina, kapag may mahahalagang isyu na tinututukan ng mga ka-opisina ko. Wala naman akong choice, dahil sila ang nagkokontrol ng remote. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko horror channel o cartoons. Mas productive ako. Mabuti na lang may wfh na!
Anyway, talagang halata na ang kinikilingan ng aleng yan ay ang mga lumalaban sa kasalukuyang administrasyon. Mabuti't wala na sa free tv ang upos na katol, kahit nandiyan pa ang mga burikak na maluluwang at patuloy na nagpapagamit dito.
Una, sa pagmumukha pa lang, pigil na pigil na ang ekspresyon ng ale. Hindi ko alam kung dala ng mukap, eyeliner, o syensya. Pati boses, gumagaralgal na parang yerong hinihiwa.
Pangalawa, maski in the past, hindi pa tapos magpaliwanag ang bisita, sisingit na siya. Iba siya pag ang kaharap ay kampon ng katol. Iba rin pag pro admin. Sasang-ayon kuno sa sasabihin, tapos idadagdag ang salitang "but", kasi Englishing daw. Nakapag interview na ako ng maraming kilalang personalidad, pero never ako nambara. Lagi kong hinahayaan ang bisitang nagsasalita, at hindi ko sinasabing "pero" para isiksik lang ang pananaw ko. Kung nag-imbita ka ng bisita sa bahay mo, wag mong babastusin, dahil kung yan ang gagawin mo, e baki nag imbita ka pa?
Pangatlo, habang nagsasalita si yorme, mapapansin ninyo na naiinip lagi ang ale at ang inuungol ay napakaikling "uh" o "hm" na para bang ipinapahiwatig sa kausap na nagsasalita pa, "o ano pa, bilisan mo, kasi may itatanong pa ako o ikokontra sa sinasabi mo". Parang multo lang ang peg niya. Tuwang tuwa ako sa ekspresyon ng labi at panlalaki ng mga mata ni yorme, at ang hayagang pagtawag sa pangalan ng ale, na para bang sinasabing "hoy, makinig ka", kasama ang backup info na direktang sinasagot ang mga patutsada nito. Mabuti't may natapos na si yorme, kundi baka ipangalandakan ng ale ulit sa mukha ng bisita ang mga salitang "may college degree ka ba?"
Salamat, yorme, sa iyong napakagandang paliwanag at sa pagsupalpal sa aleng nali-link ng marami sa parking lot. Kung anong ganap doon, sa totoo lang, wapakels ako! 😂🇵ðŸ‡ðŸ¥´"