Lolit Solis Ibinuyag Ang Di Umano'y Panghihingi Ni Heaven Peralejo Ng Pera Kay Manny Pacquiao!


Isiniwalat ng beteranang kolumnista na si Lolit Solis sa kanyang social media post na nagtext daw ang batang aktres na si Heaven Peralejo kay Senator Manny Pacquiao. Ito ay para daw manghingi ng tulong pinansiyal dahil sa dinaranas na kakapusan ngayong pand3mya.

Sa kanyang post ay iminungkahi ni Lolit Solis na mas maigi daw sana na si Jinkee Pacquiao ang tinext ni Heaven kaysa kay Senator Manny Pacquiao upang hindi magkaroon ng malisya. Alam naman ng publiko na si Heaven ay ang dating nobya ni Jimuel Pacquiao.

At noong nakaraang taon ay inamin nila ang kanilang hiwalayan.



"May balitang humingi daw ng tulong si Heaven Peralejo kay Champ Manny Pacquiao Salve. Dating BF ni Heaven ang anak na lalaki ni Champ Manny kaya at least magkakilala sila, pero ang hindi maganda at baka malagyan ng malisya iyon kay Champ Manny nag text si Heaven."

"Sana dahil isa siyang babae, kay Mama Jinkee siya humingi ng ayuda para hindi lagyan ng malisya ng makakaalam." Ito ang mga pahayag ni Lolit Solis.



"Napakabait naman ni Mama Jinkee dahil binigyan niya ng 100k financial na tulong si Heaven. Sa panahon ngayon talagang dapat lang na pag medyo kakilala mo at maaaring makatulong sa iyo, lapitan mo. But sana, kung babae ka, sa babae ka humingi, pag lalaki sa lalaki ka naman mag text."

"Ganun ang protocol, hah hah, kasi pag lalaki at sa babae nag text, puwede magkaroon din ng malisya. Dapat talagang magpasalamt ni Heaven kay mama Jinkee, bongga ha, 100k agad ang padala. Laking tulong na iyon, madami nang mabibili." Dagdag pa nito.



Matatandaan na last year din ay napabalitang diumano'y ginagamit ni Heaven din noon ang credit card ni Jimuel habang sila ay mag-on pa. Sa isang panayam, pinabulaanan naman ito ni Heaven at gayun din ni Jimuel. 

Pero sa isyung isiniwalat ngayon ni Manay Lolit, ay wala pang inilalabas na statement si Heaven Peralejo.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW