Manila Bay, Dinagsa Agad Ng Maraming Tao Kahit Hindi Pa Tapos! Namangha Talaga Sila Sa Kagandahan Nito!


Manila Bay, dinagsa agad ng maraming tao kahit hindi pa tapos. Patunay lamang na suportado ng mga tao ang proyektong ito ng Pangulong Duterte. Ano na naman kaya ang masasabi ng mga oposisyon na nagsasabing hindi raw ito kailangan ng mga tao.

Noong basura pa ang nakatambak sa Manila Bay halos ayaw pumunta ng mga tao rito dahil sa dumi at baho ng paligid 

Pero ngayong malinis na ito at kasalukuyang tinatambakan ng mga puting buhangin kahit hindi pa ito tapos, dinagsa ito ng mga tao at talaga namang kitang kita sa kanila na gustong gusto nila ang tanawin lalo na ang famous sunset ng Manila Bay.


Marami sa mga oposisyon ang kontra dito at sinasabing hindi ito kailangang gawin sa gitna ng pand3mya dahil napaka-insensitibo at maraming nagugutom daw. Bakit hindi na lang daw ibili ng bigas ang pondo? 

Nakakain ba raw ang buhangin? Eh kung ibalik kaya natin ang tanong sa kanila. Nakakain din ba ang tambak ng basura sa Manila Bay? Anong gusto niyo? White sand ang itambak o basura? 

At sino naman ang nagsabing hindi ito kailangan? Kaya nasisira ang paligid dahil walang pakialam ang ibang mga tao. Isang magandang hakbang nga ito upang maging maayos ang paligid.

Patunay ang mga taong ito na importante sa kanila ang ganitong proyekto ng Pangulo. Kitang kita naman na nagrerelax ang mga tao sa pamamagitan ng magandang tanawin. Nagpapakita lamang ito na malakas ang suporta ng taumbayan dito kaya tama lamang ang desisyon ng pangulo na ayusin ito.

Panoorin ang video:

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW