Mga Aktibista, Nag-Rally Na Naman Laban Sa Mangandang White Sand Project Ng Gobyerno Sa Manila Bay


"Ayuda at pagkain, hindi buhangin!" Yan ang naging panawagan ng mga mangingisda at environmentalist. 

Ang tinututulan ng Manila Baywatch, Pamalakaya, Baseco Peoples' Alliance, at Nilad ay ang "beach nourishment project" ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) o ang pagtatambak ng synthetic na puting buhangin sa Manila Bay.

Panawagan ng mga grup na nag-bike at nag-jog mula Rajah Sulayman Park hanggang Manila Baywalk, habang sinusunod ang health protocol na pagsuot ng face mask, face shield, at social distancing, na magsagawa na lamang ang pamahalaan ng totoong rehabilitasyon sa Manila Bay imbise na isagawa dito ang "aesthetic surgery."

Ang mga grupo din ay kinwestiyon ang pondo na ginamit ng gobyerno sa nasabing proyekto. Ayon sa grupo, ang milyon-milyon na pera ay sana ginamit na lamang pandagdag sa C0VID-19 funds sa bansa. Sinabi din nila na hindi ito ang oras na dapat pagandahin ang Manila Baby ngayon na maraming mga Pilipino ang lubos na naging apektado ng kr1sis na dulot ng C0VID-19 pand3mic.



Ayon din sa grupo, ang "white sand" na gawa sa pinong dolomite rock mula sa Cebu ay maaaring makapagdulot ng respiratory illness sa mga taong makakalanghap nito.

Sinabi naman ng Health Department na ang dolomite boulders na inilagay sa Manila Bay ay maaaring makapagsanhi ng iba't ibang uri ng sakit sa kalusugan kapag ito ay nalanghap.. Kasama na dito ang eye irritation at iba pang respiratory problems kapag ito ay nalanghap. Magkakaroon din ang isang tao ng gastrointestinal illness kapag ito ay nakain.


Maging ang mga environment advocates ay tutol din sa white sand project ng pamahalaan at sinabi na ito ay maaaring makasira lamang sa natural ecosystem ng Manila Bay.

Samantala, nilinaw naman ng DENR na pinag-aralan muna nilang mabuti ang nasabing proyekto bago pa man nila ito sinimulan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW