Mga Kilalang Personalidad Sa Showbiz Industry, Hindi Napigilang Maging Emosyonal Sa Biglaang Pagkawala Ni Lloyd Cadena


Buong online community at maging ang mga sikat na personalidad at online influencer ang hindi makapaniwala at nalungkot matapos malaman ang balita tungkol sa biglaang pagpanaw ng sikat na YouTube content creator sa bansa na si Lloyd Cadena.

Noong Biyernes, Setyembre 4, inanunsyo ng pamilya ng sikat na vlogger sa kaniyang official Facebook page na sumakabilang buhay na nga si Lloyd.

Saad sa post,

"It is with a heavy heart and great sadness that we announce the ultimely demise of ur beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time."



Ayon sa ilang source online, maayos pa ang kalagayan ni Lloyd nang ito ay dalhin sa Asian Hospital. Nakumpirma din na si Lloyd ay asymptomatic sa virus na kumakalat ngayon. Ito ay matapos magsagawa ng ilang test para sa nasabing vlogger.

Ngunit, kinagabihan ng Biyernes ay bigla na lamang inatake sa puso si Lloyd na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Buong online community, kapwa vlogger, at maging ang mga celebrities ay hindi makapaniwala at binalot din sila ng kalungkutan dahil sa biglaang paglisan ng sikat na YouTube content creator sa edad na 26.



Ani Maja Salvador sa kaniyang Twitter account:

"RIP Lloyd Cadena. hindi ako makapaniwala 💔💔💔"

TV host at online entertainer Bianca Gonzales tweeted,

"I only met him and would see him at events but he was always so gracious and his joy would radiate. My sincerest condolences to his family and loved ones. 😢 Rest in peace, Lloyd Cadena. 💔"



Ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga naman ay nagbahagi ng larawan nila ni Lloyd sa kaniyang Instagram account at may caption na:

"Rest in peace Lloyd Cadena... Saglit lang tayo nagsama para sa collab natin pero i witnessed how your mere presence can lighten and bring joy sa mga nakapaligid sayo.. Marami kami napasaya mo at hindi makakalimot... ❤️😭"

Si Lloyd Cadena ay isa sa mga sikat na YouTube vloggers sa Pilipinas. Nagsimula siya sa kaniyang YouTube channel taong 2010. Marami siyang napasayang mga tao dahil sa kaniyang nakakatawang personalidad.



Marami din ang humanga sa kaniya dahil sa kabutihang puso na mayroon siya na laging handa sa pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW