Isa lamang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga personalidad na naghayag ng kanilang saloobin matapos magbigay si President Rodrigo Duterte ng pardon kay United States Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.
Si Pemberton ang pum4t4y sa transgend3r na si Jennifer Laude taong 2014. Ayon sa ilang ulat, nagawa daw ito ni Pemberton matapos maloko dahil sa pag-aakala na babae si Laude.
Sa pahayag na inilabas ni Pia sa kaniyang Twitter account, sinabi niya na lalong lumalala ang sitwasyon na nangyayari sa ating bansa. Kaya naman sinabi na kailangan ng gumawa ng aksyon at magparehistro upang makaboto sa susunod na eleksyon.
Ani ng beauty queen,
"Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi na lang palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay, eto na lang, let's all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us."
Sa isa pang social media post, sinabi ni Pia na mas marami ang mga tao at aabot ito sa 40 milyon. Aniya, sa pamamagitan ng pagboto sa susunod na eleksyon ay maaari nang marinig ang kanilang mga tinig.
Ani Pia,
"Our voices need to be heard thru our votes. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa."
Dagdag niya,
"No more excuses even for me lahat tayo dapat registered na. Hindi enough na sa social media lang tayo naririnig. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa #40M strong."
Nito lamang nakakaraan, naging bukas si Pia tungkol sa mga political at social issues sa bansa. Nakiisa din siya sa tao na nagpahayag ng kanilang disgusto sa pagpasa ng Anti-Terror Bill.
Saad niya sa isang tweet,
"Okay. Signing off for tonight. Baka macarried away pa ko sa mga susunod kong sasabihin.. pero yun na"
Dagdag niya,
"I know I [don’t] use twitter much and I probably [don’t] have a lot of active followers here anymore. But [please] for those who can read this. Please mag register tayo ha."
Ang pahayag ni Pia ay kasunod lamang matapos maglabas ng saloobin ng ilan pang personalidad katulad nina Saab Magalona at Liza Soberano tungkol sa desisyon ni Pangulong Duterte at nagpahayag din ng hustiya para kay Laude.