Dahil sa patuloy na pag-iral ng community quarantine sa ating bansa, maraming mga tao ang umiisip at naghahanap ng paraan para maging productive pa din at maalis ang boredom na kanilang nararamdaman dahil sa lockdown.
Kaya naman ngayon ay maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa pagtatanim at pag-aalaga ng iba't ibang klase ng halaman tulad ng mga succulents, halamang gulay, cactus, at iba pang uri ng halaman na maaaring i-display at ilagay sa loob ng bahay.
Ngunit, isang netizen ang kamakailan lamang nagbigay ng babala sa publiko tungkol sa isang halaman na nakakalas0n.
Sa Facebook post ng netizen na si Dennis Vera Catugas, binalaan niya ang mga netizens na huwag itanim ang nasabing halaman dahil ito ay nakakalas0n.
Kwento ni Dennis, ang batang si Cj ay pumitas ng dahon ng naturang halaman at ito ay kinagat niya. Ngunit, makalipas lamang ang dalawang segundo ay umiiyak na ito ng sobra. Naisip nila na baka mapait lamang ang halaman kaya iyak ito ng iyak. Ngunit, ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din tumitigil si Cj sa pag-iyak.
Para malaman ang dahilan, kumagat din umano si Dennis ng dahon. Naramdaman niya na tila asido ang kaniyang nasa bibig na kumakalat sa kaniyang lalamunan.
Sinabi ni Dennis na kaunti lamang ang nakagat niya na sa halos sa ngipin lang niya pumunta ang katas ng dahon ngunit tila siya ay nakalunok na ng asido.
Dahil madami ang nakagat ni Cj, kaagad pinainom nila Dennis ito ng gatas at pinakain ng asukal.
Basahin sa ibaba ang buong detalye ng kwento ni Dennis:
Ang tinutukoy ni Dennis sa kaniyang post ay ang Zamioculcas o kilala sa tawag na welcome plant, lucky plant, at money plant.