NTC, Naglabas Ng Kautusan Upang Bawiin Lahat Ng Frequencies At Channels Ng ABS-CBN Network


Kamakailan lamang, naglabas na ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN network upang mabawi ang mga channels at frequencies na nakatalaga sa broadcasting media giant, dalawang buwan simula nang maglabas ang Kongreso ng desisyon na tanggihan ang application ng ABS-CBN para sa panibagong 25-year franchise.

Nabanggit sa kautusan ang Republic Act No. 3846 o Radio Control Law, na nagsasabi na walang sinuman ang maaaring magpatakbo ng isang radio broadcasting network nang hindi kumukuha ng prangkisa mula sa Kongreso.

Sa isang napakalaking 70-11 na boto, tinanggihan ng House Committee on Legislative Franchise noong Hulyo 10 ang application ng broadcasting giant para sa panibagong 25 taon na pag-operate sa telebisyon.


Bukod dito, binanggit din ng NTC ang pagtanggal ng Korte Suprema sa petisyon ng ABS-CBN laban sa cease and desist order na unang inilabas ng NTC na sanhi ng paghinto ng broadcasting network sa pag-operate sa telebisyon noong Mayo.

Ani ng NTC,

“Indubitably, the denial of respondent’s [ABS-CBN] franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of respondent’s petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that respondent had already lost the privilege of installing, operating and maintaining radio broadcasting stations in the country.”


Dagdag nito,

“Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to respondent is warranted.”

Binawi rin ng kautuhan lahat ng provisional authorities o certificate of public convenience na ipinagkaloob sa ABS-CBN. Dagdag pa dito, lahat ng petisyon at pending applications na ipinasa ng ABS-CBN ay binawi din. 


Ilan sa mga kritiko ang nagsasabi na ang pagpapasara ng ABS-CBN ay pag-atake sa press freedom dahil ang network ay naging paksa ng galit ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa dokumentasyon ng kontrobersyal na isyu tungkol sa kontra dr0ga ng administrasyon.

Inihayag na din noon ni Pangulong Duterte na gagawin niya ang lahat para maharang ang prangkisa ng ABS-CBN. Ito ay matapos hindi i-ere ng nasabing network ang kaniyang campaign noong 2016 national elections.

Ang pagpapasara ng ABS-CBN network ay naging dahilan din sa pagtatanggal ng mga empleyado nito, kasama na dito ang ilan sa mga beteranong mamamahayag ng network.

Dahil hindi na makakapag-operate pa ang ABS-CBN sa telebisyon, ang dating media giant ay ginagamit na lamang muna ang kanilang online platforms para i-broadcast ang ilan sa kanilang palabas.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW