Inudyukan ni Special Envoy to China Mon Tulfo Si President Rodrigo Duterte sa kaniyang column sa The Manila Times noong Setyembre 12 na bigyan din ng pardon si retired Army Maj. Gen. Jovito Palparan. Ang pahayag na ito ni Tulfo ay kasunod ng naging desisyon ni Panguulong Duterte na bigyan ng pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ang pumat@y sa transPinay na si Jennifer Laude.
Sinabi ni Tulfo sa kaniyang column na siya ay naniniwala na walang direktang ebidensya na mag-uugnay kay Palparan sa mga kasong kinasasangkutan ngayon ng dating heneral. Ang tanging testimony lamang na narinig ay mula sa isang magsasaka.
Ani Tulfo,
"There was no direct evidence that Palparan had ordered the k!lling, just hearsay testimony from a farmer who claimed to have been detained along with the two coeds... In convicting Palparan, the judge was apparently swayed by the clamor for the general's head from leftist groups and the Noynoy Aquino administration."
Sinabi din ni Tulfo na ang pagbibigay ng pardon kay Palparan ay maaaring makatulong sa reputasyon ni Pangulong Duterte sa hanay ng mga militar.
Dagdag ng beteranong mamamahayag,
"If the President pardons Palparan, he will become a hero to the entire officers corps of the Armed Forces of the Philippines."
Si Palparan ay itinuturing na matinding kaaway ng mga New People's Army at maging ang mga komunista. Ito ay dahil sa pagiging matagumpay ng anti-insurgency campaign na ginawa ni Palparan noong siya ay nasa militar pa.
Nakaharap din noon ni Palparan ang leftist personality at dating congressman ng Bayan Muna na si Satur Ocampo.
Samantala, sa ngayon ay wala pang binibigay na kahit anong pahayag o sagot si Pangulong Duterte sa payo at pag-uudyok na inilahad ni Mon Tulfo sa kaniyang column.