Personal Driver Ni Jugs Jugueta, Pumunta Sa Programa Ni Raffy Tulfo Upang Makahingi Ng Payo


Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan lamang ang dating driver ng artista at singer na si Jugs Jugueta sa loob ng sampung taon. Ngunit, taliwas sa mga tipikal na dumudulog sa nasabing programa, walang kahit na anong paninira o sinabi ang driver laban kay Jugs.

Noong una ay inirereklamo ng driver na si Gavino Dayadante ang tungkol sa pinapipirmahan umano sa kaniya ni Jugs na tila isang resignation letter na hindi siya ang gumawa. Sinabi niya din ang tungkol sa kaniyang mga benepisyo katulad ng PhilHealth, SSS, Pag-IBIG na hindi hinulugan ni Jugs.

Saad ni Gavino,

"Ang kino-complaint ko po sa kaniya ay yung aking SSS at PhilHealth po ay hindi niya pa po nababayaran simula noong ako po ay nag-umpisa...

"Tapos po, ngayon po ay gumawa siya ng letter na ako po daw ay kusang umaalis sa kaniya na hindi raw ako pupwedeng magreklamo sa kahit anumang ahensya ng gobyerno. Instead po na tinatanggal niya ako ngunit pinapalabas niya po roon sa letter of agreement na ako daw po ang kusang umaalis."

Nabanggit din ni Gavino sa kaniyang reklamo ang tungkol sa kaniyang separation pay.

Kwento ni Gavino, sampung taon na siyang nagtatrabaho kay Jugs bilang personal driver nito. Noong una, ang sweldo lamang niya ay nasa P10,000 hanggang sa lumakit na ito at umabot sa P18,000.

Sinabi din ni Gavino na maayos ang relasyon nila ni Jugs at nakakatulong pa ang huli sa kanila.

Nang siya ay umalis bilang driver ni Jugs, mayroon pang ini-offer sa kaniya ang singer na P90,000 para sa kaniyang separation pay ngunit hindi niya ito tinanggap dahil sa pinapipirmahan ni Jugs sa kaniya.

Para malinawan sa lahat ng pangyayari, napagdesisyunan ni Raffy Tulfo na isangguni ang reklamo ni Gavino sa kanilang abogado. Nalinawan naman dito ang driver sa kung ano ang dapat nyang gawin sa kaniyang inirereklamo.

Ayon sa nasabing abogado, ang separation pay na ibinibigay kay Gavi ay base sa magiging resula ng halagang kalahati ng kaniyang sweldo bawat taon na nagtrabaho siya kay Jugs. Kaya kung kukwentahan ay tama o mahigit pa ang pera na P90,000 na ibinibigay sa kaniya ni Jugs. Kung maliit man ito o kulang, maaari naman nila itong mapag-usapan.

Ang dokumento naman na pinapapirmahan sa kaniya ni Jugs ay tinatawag na waiver release and quitclaim. Sinisigurado lamang ni Jugs na maproteksyunan ang kaniyang sarili sa mga paninira na maaaring ibato sa kaniya. Ngunit, sinabi na mismo ni Gavi na maayos at maganda ang relasyon na mayroon sia ni Jugs ay pinayuhan na lamang ito ng programa na pirmahan na lang ang dokumento.

Tungkol naman sa benepisyo, sinabi ng aboado na hindi obligado si Jugs na hulugan ang mga kontribusyon ng driver dahil nasasailalim si Gavino bilang isang domestic helper dahil siya nga ay personal driver ni Jugs.. Kaya naman na kay Gavino na ang desisyon kung ipipilit pa niya ang reklamo.

Nalinawan naman sa huli si Gavino tungkol sa kaniyang mga reklamo at sinabi na susundin na lamang niya ang payo ng programa na tanggapin ang ibinibigay at pinapapirmahan ni Jugs sa kaniya.

Ayon naman sa mga netizens, walang dapat na ireklamo si Gavino dahil kung tutuusin nga ay malaki pa ang sweldo nito at separation pay. Pinuri pa ng mga netizens ang singer-host dahil sa pagiging maayos at mabait nitong amo.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW