Pokwang, Ibinahagi Ang Nakakatuwang Reaksyon Ni Baby Malia Sa Tanong Niya Kung Maganda Ba Ang Kaniyang Mama


Si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay ay isa sa mga sikat na actress, singer, at komedyante sa Pilipinas. Nagsimula ang showbiz career ni Pokwang sa isang reality show ng ABS-CBN. Madali naman nakuha ni Pokwang atensyon ng mga manonood dahil sa galing niya sa pagiging komedyante na kahit simple lamang na joke ang bibitawan niya ay matatawa ka na taaga. Kaya naman hindi na din nakakapagtaka kung bakit pati ang kaniyang anak ay pinapasaya din tayo.

Sa video na ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram account, makikita ang nakakatawang ginawa ng kaniyang anak na si Malia Francine O'Brian. Makikita kasi sa video na tinanong ni Pokwang si baby Malia kung maganda ba siya.

Ani Pokwang,

"Malia, maganda ba si Mama?"



Ngunit, imbis na magbigay ng sgaot, makikita na tila malalim ang iniisip ni baby Malia at hindi siya makapagbigay agad ng sagot sa ina. Ngunit, ang mas nakakatawa dito ay ang naging reaksyon ni Malia dahil tila hindi niya maintidihan ang sinasabi ni Pokwang sa kaniya.

Sobrang cute pa din ni Malia habang nakikinig sa sinasabi ni Pokwang kahit hindi siya sumasagot sa katanungan ng ina.

Hanggang sa nagbigay na nga ng sagot si Malia kay Pokwang at sinabing: 'What's going on?"



Natawa naman si Pokwang dahil sa sagot ni Malia. Kahit pa man hindi malabo ang lahat ng pangyayari kay Malia dahil hindi niya maintindihan si Pokwang, masaya pa din siya dahil alam niyang napapasaya niya ang kaniyang mommy Pokwang.

Makikita din sa videoa ng pagiging American ni Malia dahil sa kaniyang American accent at blonde hair dahil na din nga siya ay half American at half Pinay.

Saad ni Pokwang sa caption ng kaniyang post,

"Wala lang gusto ko lang kayong tumawa hahahhahaa napaka honest na sagot ni tisay @malia_obrian 😁😆😄"


Talaga nga namang nakakabilib at nakakatuwa si Malia. Sa edad niyang 2 years old, mayroon na kaagad siyang mahigit na 300,000 followers sa kaniyang Instagram account na @malia_obrian.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW