PWD Na Traffic Enforcer, Viral At Umani Ng Papuri Mula Sa Mga Netizens Dahil Sa Sipag At Tiyaga Nito


Hinangaan ng mga netizens ang larawan ng traffic enforcer na PWD na si Ricardo Bulosan dahil sa sipag at tiyaga nito sa pagtatrabaho sa kabila ng kap4nsanan.

Matiyaga pa din tumutulong si Ricardo sa pagsasaayos ng trapiko sa intersection ng Penafrancia at Quirino Ave. sa Manila kahit pa man put0l ang kaniyang kaliwang binti. 

Ayon sa GMA News, si Ricardo ay regular na empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau na hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan para magbigay ng serbisyo sa kaniyang mga kababayan kahit pa man siya ay maghapon na nasa gitna ng kalsada.

Base sa report mula  ABS-CBN News, nag-volunteer lamang umano noon si Ricardo sa pagsasaayos ng trapiko. Ngunit dahil sa kaniyang sipag at tiyaga sa trabaho, ginawa na siyang regular na traffic enforcer sa lungsod.

Maraming netizens ang humanga kay Ricardo dahil nagagawa pa din niya ang kaniyang trabaho ng maayos kahit pa man hindi madaling tumayo sa gitna ng daan sa maghapon, lalo na at hawak niya ang saklay habang nagmamando ng daloy ng trapiko sa lugar.

Inulan din ng papuri si Ricardo sa mga netizens dahil sa kabila ng kakulangan sa kaniyang pangangatawan ay nagagawa pa din niyang makipagsapalaran sa kalsada.

Ayon naman sa ilang netizens, mabuti pa nga daw si Ricardo gumagawa ng paraan para kumita ng pera kumpara sa ibang kumpleto nga sa pangangatawan ay panay naman ang reklamo sa bahay o imbis na maghanap ng maaaring pagkakakitaan ay magmumukmok na lamang ang mga ito at maghihintay na lamang sa kung ano ang dadating sa kanila.


Sa panahon natin ngayon kung saan tayo ay may pand3myang kinakaharap, talaga namang maraming trabaho ang apektado kaya naman wag na din dapat maging choosy o mapili pa sa trabaho. Ang mahalaga ay mayroong maiuuwing panggastos sa pamilya sa marangal at legal na paraan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW