Raffy Tulfo, Hindi Napigilang Mainis Nang Malaman Ang Buong Katotohanan Sa PWD Na Dati Niyang Tinulungan


Hindi napigilang uminit ng ulo ni Idol Raffy Tulfo matapos malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Sammy Agustin, ang person with disability (PWD) na nag-viral sa social media nito lamang dahil sa panan4kit dito ng isang tricycle driver.

Umamin naman ang tricycle driver na si Julius De Leon noon na siya ay napikon din kay Sammy kaya naman nagawa niya itong saktan.

Nakuha ni Sammy ang simpatya ng publiko bilang isang PWD at umani naman ng mga negatibong komento ang tricycle driver.



Dahil na din patas ang programa ni Idol Raffy, inimbestigahan nilang mabuti ang kaso at doon nga nila nalaman ang tungkol sa tunay na pagkatao ng PWD.

Sa imbestigasyon na kanilang isinagawa, napag-alaman ng RTIA na napakarami na palang ginawang kalokohan ng nasabing PWD.

Ayon sa ilang mga nakakakilala dito, masyado daw masakit magsalita si Sammy at maging ang mga pang-aasar nito ay hindi din nakakatuwa. Mahilig din daw si Sammy na mang-insulto ng ibang tao.

Si Sammy din daw ay may bisyo katulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at nagagawa pa din nitong magsugal sa kabila ng hirap ng kaniyang pinagdadaanan.



Marami din daw ang naiinis kay Sammy dahil sa hindi magagandang salita na kaniyang nasasabi na talaga namang nakakas4kit ng kapwa na marahil isa lamang sa mga dahilan kung bakit ito nasaktan ng tricycle driver.

Napag-alaman din na ang kaniyang ina ay walang c4nc3r at walang kahit na anong sak1t. Dumanas lamang ito ng depresyon.

Bukod pa diyan, gumagamit din daw si Sammy ng s0lvent. Nagkaroon na din ang PWD ng record sa kanilang barangay at nagn4kaw na daw ito ng pitaka.

Dahil sa mga nalaman ni Idol Raffy tungkol kay Sammy, hindi naiwasan ang pag-init ng kaniyang ulo at napagtanto din ng beteranong host na dapat nilang mas tulungan ang tricycle driver ngayon.

Kung sakali man daw na ituloy ni Sammy ang kaso na isasampa kay Julius, ang tricycle driver na si Julius na mismo ang tutulungan nila.

Matapos ding maging viral ng tricycle driver ay naantala ang kaniyang pamamasada ng ilang araw kaya naman napagdesisyunan ni Tulfo na bigyan ng tulong ang pamilya nito. 

Samantala, ang PWD naman na marami na ding naperwisyo ay dadalhin sa Founday of Persons with disability sa kanilang lugar sa Cauayan City, Isabela.

Ang "Wanted sa Radyo" host din ay nagbigay ng pera sa PWD na katumbas ng ilang araw na hindi siya nakakalimos.

Ang programa ay dapat ding papagawan na siya ng tindahan ngunit ito ay natigil matapos malaman ang buong katotohanan tungkol sa kay Sammy.

Matatandaan na naging viral ang video ng tricycle driver na sinasaktan ang PWD. Si Sammy ay una nang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ngunit ang katotohan naman tungkol sa kaniyang pagkatao ay lumabas na hindi talaga maganda ang ikinilos nito kahit kanino.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW