Teddy Corpuz, May Pahayag Tungkol Sa Online Class: “Hinay-hinay lang po sa mga requirements”


Ipinatupad ng pamahalaan nito lamang ang pagpanukala ng online class para matuloy pa din ang pag-aaral ng mga kabataan sa kabila ng pand3mya na ating kinakaharap. Ito din ang isa sa mga paraan na naisip ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat pa lalo ng C0VID-19 sa bansa.

Ngunit, maraming kabataan at mga magulang ang hindi sang-ayon dito. Alam din naman natin na hindi lahat sa atin ay mayroong gadgets na magagamit at may maayos na internet connection. 

Isa lamang ang It's Showtime host at performer na si Teddy Corpuz sa mga magulang na may panawagan sa pagpapatupad ng online class.


Sa kaniyang pahayag, sinabi niya na sana ay maghinay hinay lamang sa pagbibigay ng mga takdang aralin sa mga estudyante, lalo na yung mga nasa elementary level pa lamang.

Dagdag pa ni Teddy na dapat bigyan din ng oras ang mga bata para masanay silang makapag-type sa keyboard, mag open at save ng mga files at mag search sa internet.

Sa ganitong sitwasyon, sinabi ni Teddy na maging silang mga magulang ay nalilito din.


Ani Teddy,

“Dear online schools, hinay hinay lang po sana sa pagbibigay nang mga assignments specially sa mga elementary level. Give time sa mga bata para masanay mag type sa keyboard, open & save files, search sa internet etc. Kaming mga parents nga nalilito ano pa yung mga anak namin.”

Samantala, marami naman sa mga magulang din ang sumang-ayon sa sinabi ni Teddy. 

Narito ang ilang pahayag ng netizens ukol dito:

"kaya piniprint ko na lang para masagutan ng anak ko para sya tlaga ang gumawa tapos iguide ko na lang,tapos ako ang nag type sa computer para mapahinga mga mata ng anak ko.kasi grade 2 pa lang mabagal magtype"

"Ay tama, mga teachers akala matatanda na sanay sa computer mga bata lalo na mga grade 1"

"kahit sa module ay hirap eh parang exam every week nakakabigla mga sinasagutan😁😅"

"Agree, kawawa dn ang mga batang ndi matutukan ng parents while online teaching"

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW