Isang marangal at legal na trabaho ang paglalako ng mga paninda tulad ng pagbebenta ng binatog. Ang mga nagtitinda ng binatog ay matiyagang pumapadyak sa kanilang bisikleta at tinitiis ang init ng araw para lamang maibenta ang kanilang mga paninda nang sa gayon ay mayroon silang maiuwi kahit papaano sa kanilang pamilya.
Alam naman natin na ang paghahanap buhay ay hindi din madali, lalo na kung ang kinikita mo ay sapat lamang para sa pang araw-araw na gastusin ng iyong pamilya. Minsan pa nga, kailangan ng ilan na magdoble kayod para kumita ng mas malaki upang mapunan ang iba pang pangangailangan ng pamilya.
Maraming netizens ang nalungkot at nahabag matapos makita ang larawan ng isang tindero ng binatog na nagkalat ang panidad sa daan matapos siyang masagi ng isang tricycle. Ang nakakadurog na pusong pangyayaring ito ay ibinahagi ng isang netizen sa social media.
Ang matandang vendor ay nakilala bilang si Alfredo Viernes na mula sa Sta. Cruz, Manila. Kakasimula pa lamang niya na magbenta ng kaniyang paninda nang siya ay mabunggo ng isang tricycle na dahilan para mahulog ang kaniyang mga paninda at magkalat ito sa daan.
Ngunit, ang mas nakakalungkot sa pangyayaring ito ay hindi man lang huminto ang tricycle driver upang tulungan o tanungin man lang si Manong dahil kasalanan din naman niya ang nangyari o di kaya ay nagbigay siya ng bayad para sa mga nasayang na paninda imbis na takasan pa ang kawawang matanda.
Bukod pa diyang, kinuha pa ang kaniyang cellphone ng mga nakiki-usyoso sa pangyayari habang abala ang matanda sa pag-aayos ng nagkalat na paninda.
May mga netizens na tumulong sa matanda upang ayusin ang mga natapon niyang paninda ngunit nakakalungkot lamang isipin na hindi na niya ito maibebenta pa. Sobrang nanlumo at nalungkot din ang matanda dahil ang kikitain niya sana sa araw na iyon ay nawala ng basta-basta na lang at nakuhanan pa siya ng cellphone.
Sa panahon natin ngayon, marami na talagang mga tao ang mapagsamantala at masasama, kaya naman mas mabuti kung tayo ay magdo-doble ingat at palaging magdasal.