Sa kabila ng mga hirap at pagsubok na pinagdadaanan natin ngayon, nakakalungkot lamang isipin na mayroon pa ding mga tao ang pinipiling gumawa ng masama sa kanilang kapwa. Hindi na din bago sa atin ang pang-iiscam, panlol0ko, at pamemeke ng pera ng ibang tao.
Minsan pa nga, kung sino pa iyong mahirap ang pinagdadaanan sa buhay ngunit nagtatrabaho sa marangal at legal na paraan ay ang nabibiktima pa ng mga manlolokong taong ito.
Sa Facebook page na Pilipinas Trending Viral, ibinahagi nito ang lalaki na nagtitinda ng lemon sa bangketa. Ayon sa post, ang kawawang manong ay nagtitinda ng lemon sa may Espanya, Manila nang mayroong bumili sa kaniya. Naka-kotse pa nga daw ito kaya hindi din aakalain na gagawa pala ito ng masama.
Ang mas masaklap din ay imbis na sana kumita si Kuya noong araw na iyon ay naloko pa siya dahil isang libo ang ipinambayad sa kaniya ng bumili ngunit ito pala ay pekeng pera.
Hindi man lang naawa o nakonsensya ang bumili kay manong lalo na at naghahanap buhay naman si manong ng marangal at legal para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa pang araw-araw. Maaaring kakasimula lamang din makabalik ni manong sa pagtitinda lalo na at kaka-lift pa lamang ng quarantine sa ibang lugar.
Ayon sa post, ang tindero ay mula pa sa Taytay, Rizal at dumayo lamang patungo sa Maynila sa pagbabakasali na magiging mas malaki ang kikitain niya dito. Ngunt, nakakalungkot lamang dahil siya ay naloko pa sa kabila ng hirap sa paghahanap buhay ngayon bunsod ng C0VID-19 pand3mic.
Marami naman sa mga netizens ang humiling na sana ay managot ang bumili at nanloko kay manong at makarating ang masaklap na nangyari sa kaniya kay Raffy Tulfo upang ito ay maaksyunan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"Grabe naman, ang mura na nga ng tinda ni tatay nakuha niyo pa lokohin. Hayaan mu po tay mas malaki po ang mawawala sa kanila."
"May araw din yang mga taong ganun. Nabubuhay sa panloloko ng kapwa, may karma din yan."
"Kawawa naman ang hirap magtinda tapos may mga tao pang walang awa sa kapwa."