Zef Juan, Maaaring Makasuhan Sa Pagbibigay Ng Kumpidensyal Na Impormasyon Sa Girlfriend Na Nakilala Niya Online


Naging viral sa social media kamakailan lamang ang love story nina Zef Juan o Joebert Lacea at Richelle Amorcilla matapos nilang magkita sa unang pagkakaton sa ilang buwan na pag-uusap online.

Dahil marami ang kinilig ang love story ng couple na ito, naging usap-usapan ito sa social media. Na-feature pa nga ito sa sikat na Kapuso show na Kapuso Mo Jessica Soho.

Naisipan umanong puntahan ni Richelle si Zef kung saan ito nanunuluyan dahil malapit lamang iyon sa kanilang lugar at para na din makita ito dahil ito ay madedestino sa malayong lugar sa loob ng tatlong buwan.


Ngunit, matapos maiere ang love story nila, ang mga naging kasintahan naman ni Zef ay lumabas at sinabi kung gaano sila sinaktan ng sundalo. Naging kontrobersyal ang relasyon nina Zef at Richelle dahil sa mga bagay na lumalabas at nauugnay sa kanilang dalawa.

Samantala, sa post naman ng Legal Army Wives, sinabi niya ang maling ginawa ng pulis. Saad nito sa post na hindi dapat sinabi ni Zef ang eksaktong lokasyon niya sa taong nakilala niya lamang online lalo na at may misyon siya kasama ang iba pang mga sundalo.


Sinabi pa sa post na dapat maging responsable si Zef at dapat suriin ang kaniyang kilos dahil hindi niya inisip na maaaring mapahamak ang mga kasamahan niyang sundalo dahil sa nangyari.

Ayon pa sa post, ang babae ay maaring isang NPA o su!cid3 b0mb3r na alam na silang mga kasundaluhan ay papunta sa isang misyon. Mabuti na lamang daw at isang inosenteng babae ang nagpakita sa kaniya. Ngunit, ang sitwasyon ay maaaring magdala ng panganib sa buhay niya at ng kaniyang mga tropa kung sakali na hindi inosenteng babae ang nagpakita sa kaniya.


Sinabi din sa post, mayroong tamang lugar at oras para sa kanilang pagkikita ngunit hindi ito dapat sa gitna ng isang restricted mission.

Nagbigay din ng paaalala ang post na mas mabuting ihiwalay ang trabaho sa kanilang pribadong buhay dahil kung mas lumala ang pangyayari, maaaring mailagay ni Zef ang buhay ng kaniyang mga kasamahan sa pang4nib.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW