Rudy Baldwin, Usap-usapan Muli Matapos Ang Kaniyang Pangitain Tungkol Sa Pagguho Ng Tulay Sa Pangasinan


Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang online psychic na si Rudy Baldwin. Ito ay matapos balikan ng mga netizens ang isa sa kaniyang mga post noong October 31, 2020 kung saan ay inihayag niya ang tungkol umano sa pagguho ng isang kilalang tulay sa Pangasinan.

Ayon pa sa post ni Baldwin, nakita umano niya ang isang bahagi ng tulay na lulubog at guguho dahil may sira na ito at karupukan na.

Ang nasabing pangitain na ito ni Baldwin ay tila nagkatotoo nga. Dahil kahapon lamang, October 20, 2022, ay kumalat sa social media ang mga larawan at video kuha ang pagguho ng isang bahagi ng Wawa Bridge o Carlos Romulo Bridge sa Bayambang, Pangasinan.


Dalawa umanong trak ang nasangkot sa insidente at agad namang na-rescue ang mga sakay nito.

Maliban sa vision na ito ni Baldwin, sinabi din niya a mayroon siyang nakikita na magaganap na malakas na paglindol sa Pangasinan.

Pinaalalahanan naman niya ang mga tao na palaging mag-ingat sa kanilang paligid at maalangin sa Panginoon.


Narito ang kaniyang post:

"Nakikita ko sa vision ko na isang kilalang tulay sa Pangasinan ang masisira, isang bahagi nito ay lulubog at guguho. Maging maingat lamang ang lahat lalo na sa lindo na mangyayari pa lamang at me kalakasan ito hindi lang isang lindo ang nakikita ko sa vision ko na tatama sa Pangasinan. Ito ay mangyayari pa lamang huwag nyong sabihin ang salitang normal lang yan dahil kung mismo sa harapan nyo tatama yan talagang walang mapaglagyan ang lungkot sa puso ng tao.

"Bagamat magdasal lamang yan ang pwedi nating gagawin. Me isang tulay din ako na nakikita na bumigay dahil me sira at karupukan na. Walang masama kung check nyo lamang dahil isa ang lindol sa dahilan na guguho ang isang tulay. Kahit sa bandang lugar ng pananiman akita ko ang pag guho ng kalsada.

"Maging maingat ang lahat dahil sa vision ko nangibaw ang lindol sa Pangasinan na mangyayari pa lamang. Huwag makalimot na manalangin sa Diyos dahil walang imposible sa Kaniya."

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW