Ruffa Mae Quinto, Inamin Ang Hirap Na Pinagdaanan Sa Pamumuhay Sa America


Lumipad patungong Amerika noong nakaraang taon ang sikat na komedyante na si Ruffa Mae Quinto kasama ang kaniyang anak na si Alexandra upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso noon kasama ang kaniyang asawa na si Trevor Magallanes.

Ngunit sa kasamaang palad, ang dapat sana'y dalawang linggo lang na bakasyon ay umabot hanggang taong 2022 ng dahil sa dumating na krisis. Nang makapanayam naman ni Pia Arcangel sa isang episode ng 'Tunay na Buhay sa Amerika', inihayag ng komedyante ang hirap na kaniyang naranasan sa pag-adjust sa pamumuhay nila sa Estados Unidos. Aminado si Ruffa na talagang nami-miss na niya ang pagtatrabaho sa showbiz sa Pilipinas. 

Ayon sa kaniya,

"Oo, miss na miss ko talaga. Grabe."


Sa ibang banda, ibinahagi naman ng aktres na hindi niya inisip noon na pumunta siya sa ibang bansa upang maging dishwasher lamang. 

"Tuwing nakikita ko 'yung mga artista, sasabihin ko sa sarili ko tuwing naghuhugas ako ng plato, 'after everything I've done, sumikat ako sa Philippines, ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato'. Hirap na hirap ako nung una. Umiiyak iyak pa ako. End of the world na para sa akin nung una ko dito."

Sa kabila ng malaking sakripisyo niya bilang ina at asawa, sinabi naman ng aktres na masaya naman siya dahil nakakasama niya ang kaniyang pamilya.


"Sabi ko, mas mabuti na din ito. Dahil nakikita ng anak ko yung tunay na buhay niya."

Ang komedyante pa nga daw ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay, pati na din ang pag-aalaga ng kaniyang pamilya kaya wala na daw itong oras sa kahit anong hindi importante.

Aniya,

"Ako lahat dito. Kaya wala ka na talagang time para sa kung ano ano. Kung hindi importante, o trabaho, hindi na ako dapat lumabas kasi mag-fall down yung bahay."


Samantala, base naman sa kaniyang mga posts sa Instagram, mukha namang masaya ngayon si Ruffa at ang kaniyang pamilya sa America na tila unti-unti ng nakapag-adjust sa pamumuhay doon. Sinabi naman ng aktres na regular din siyang nakikipagkita sa iba pang artista na nakatira ngayon sa US katulad nina Rudy Rodriguez, LJ Reyes, at Donita Rose. Makikitang nagv-vlog din si Ruffa tungkol sa mga ganap ng kaniyang buhay sa America na makikita sa kaniyang YouTube channel.

Ngayong taon ay pinaplani ni Ruffa na bumalik sa Pilipinas upang asikasuhin ang isang personal na bagay.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW