Doktorang Anak Ni Jose Manalo, May Nakakaiyak Na Mensahe Na Ibinigay Sa Kaniyang Ama


Si Jose Manalo ay kilala bilang isa sa pinaka magaling at batikang TV host at komedyante sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang nakakatuwang mga hirit, hindi na nakakapagtaka kung bakit napakaraming tao ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya. 

Ang kaniyang talento din sa pagpapatawa ay nakatulong para maabot niya ang mga bagay at buhay na mayroon siya ngayon.

Ngunit, maliban sa pagiging isang komedyante, siya din ay isang mabuti at mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak. Marahil karamihan sa atin ay hindi alam na mayroong limang anak si Jose sa kaniyang unang asawa. Dalawa sa mga ito ay talents ng ABS-CBN Network habang ang tatlo naman ay mayroong ibang landas na tinahak.


Isa sa kaniyang mga anak na babae ay nakapagtapos sa kursong Medicine. Si Dr. Myki Manalo ay isa na ngayong lisensyadong physician. 

Siya ay nagtatrabaho bilang isang resident surgeon sa isang ospital sa Manila. Ngunit, hindi madali ang kaniyang tinahak bago pa man niya marating ang kaniyang mga pangarap.

Sa selebrasyon ng Father's Day, nagbahagi si Dr. Myki ng isang nakakaiyak ngunit nakaka-touch na mensahe para sa kaniyang ama na miss na miss na niya.


Narito ang kabuuan ng mensahe ni Dr. Myki sa kaniyang ama na si Jose sa kaniyang Instagram account:

"I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam, and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU, and just remained quiet. Eventually, I cried so hard. I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you, daddy. Please keep yourself healthy and happy. Happy father’s day!"

Ang nasabing post ng anak ni Jose ay umani naman ng iba't ibang mga reaksyon mula sa mga netizens online. Ang ilan ay na-touched at hinangaan si Jose dahil sa pagiging mabait at mapagmahal nitong ama sa kaniyang mga anak.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW