KC Concepcion, Nagluluksa Ngayon Dahil Sa Pagpanaw Ng Isa Sa Kaniyang Mahal Sa Buhay


Ipinagluluksa ngayon ng actress-singer na si KC Concepcion ang pagpanaw ng kaniyang dating yaya na si Nanay Lina. 

Nitong nakaraang January 3, inalala ni KC ang mga masasayang araw niya sa piling ni Nanay Lina noong siya ay bata pa at kung gaano siya nito inalagaan at inalalayan habang siya ay lumalaki at nagkakaisip.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account, binigyan ni KC ng pa-tribute ang kaniyang Nanay Lina kalakip ang kanilang throwback photo.


Emosyonal na pagsisimula ni KC sa kaniyang mensahe,

"No words can express how I cherish you and how loved you made me feel."

Aniya, naging isa sa mga inspirasyon niya si Nanay Lina habang inaalagaan siya nito na parang tunay na anak lalo na kapag magkasama na silang nagbo-bonding sa kanilang kwarto noong siya ay bata pa. 

Dagdag ng aktres,

"Just my presence, just me being with you in the same room, made you so happy, and how that would inspire me. Thank you for the unconditional love, your fierce loyalty and unshakeable faithfulness Nanay."


Pagpapatuloy pa niya,

"I prayed as a child that God would give you a long, full life. He granted that wish. I did my best for you my Nanay Lina, even if I needed to leave the nest and grow my wings to fly. Now you're the one with wings flying around heaven for sure Mag champagne ka na jan nanay masarap champagne jan for sure 

"I love you so much and I'm eternally grateful to you for taking care of me until the end. I'll love you and cherish you and your smile, your eyes that would light up, your handwritten letters year after year, with all my heart. My childhood nanny. My loyalist and now my guardian angel... Kap khun kah..."

Sa reply naman ni KC sa kaniyang ama sa comment section ng kaniyang post, nagbahagi siya ng iba pang impormasyon tungkol sa pagp4naw ng kaniyang 91-year-old childhood nanny.Aniya,

"Papa She didn't wake up na. I spoke to her a couple weeks ago pa. She was so happy"


Ibinunyag din ng 36-year-old businesswoman at vlogger ang iba pang detalye tungkol sa makulay na buhay ng kaniyang yaya bilang sagot sa isa sa kaniyang mga followers.

Dagdag ni KC,

"She worked for the Thai embassy and was taught to speak Thai. She also taught me many Thai words and greetings and my family and I flew her to Bangkok once before."

Kung matatandaan noong 2018, pinatunayan ni KC kung gaano niya kamahal at pinapahalagahan ang kaniyang yaya sa pamamagitan ng pagreregalo niya dito ng bahay na matatawag niyang sarili niyang pag-aari.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW