Sa mga nakakakilala kay Mariel Rodriguez-Padilla, mukhang isa nga sa hilig nito ay ang magkalikot o maglinis ng tainga. Pero meron pala itong hindi magandang epekto dahil mukhang may nasisira sa part ng tainga.
Ayon kay Mariel ay kailangan na niyang magpa-ospital para ma-check ang pangyayari kung bakit patuloy ang pananakit ng kaniyang tainga.
Ani Mariel sa kaniyang Instagram post,
"Ear Day!!! Ear Date!! I have been complaining about my ear and robinhoodpadilla has been so worried he said he could not concentrate anymore with the things he had to do (wala daw kami magagawa ang tigas daw kasi ng ulo ko were his exact words) so he cancelled appointments and brought me to the hospital for the whole 9 yards... ct scan, xray and ent!!! After 37 years.... lesson learned. Do not make kulit your ears."
Samantala, maraming netizens at mga kaibigan ni Mariel ang humiling na sana ay kaagad na gumaling si Mariel at sana ay hindi naman malala ang nasabing s4kit.
Nagtanong ang isang netizen kung ano daw ang ibig sabihin ng "kulit".
"Paanong kulit po? Kasi mahilig akong maglinis ng tainga after shower. Hindi ko matiis na gumagamit ng cottonbuds sa paglilinis. Like twice akong naliliko kaya twice ko din nililinis nagtry naman ako na gumamit lng ng wet tissue kaso feeling ko di malinis"
Ayon kay Mariel, "I have a special silver spoon for cleaning not cotton buds"
Ayon naman sa mga netizens at ilan na na-experience na, hindi daw maganda na laging kinakalikot at nililinis ang tainga.
Dagdag pa ng isang netizen,
"Check up time now, especially kapag madalas may migraine. Dati ginawa kong maintenance ang tylenol, akala ko s4kit lang ng ulo, may inner ear infection na pala. Mahirap kapag hindi nadidischarge protecting our brain na kinakain ng bacteria and it may caused meningitis if left untreated."
Sa puntong ito, mukhang nagagawa ni Mariel na magkaroon ng awareness sa mga tao, especially kapag kailangan nilang protektahan ang kanilang tainga. Maraming netizen kasi ang tila nahihilig ngayon na maglinis ng tainga pero hindi nga ito maganda at kung mayroon ngang nararamdaman ay mas maganda nga na magpatingin sa eksperto para magawa ang dapat na gawin.